"An artist is nothing without the gift....but the gift is nothing without work - Emile Zola"

Monday, August 24, 2009

Hindi Ako Manunulat

Hindi ako manunulat…

Ako’y isang mangmang sa larangan ng panitikan
Ang tanging nais ko ay kanyang malaman
Ang laman ng aking puso at aking isipan.

Hindi ako manunulat…

Nais ko lang ilabas aking nararamdaman
Mga araw na nagdaan na hindi malimutan
Wari’y isang bangungot na walang katapusan.

Sa lalim ng gabi wari’y isang baliw
Nakatitig sa kawalan…
Nakikinig sa orasan…
Mga katanungang walang kasagutan

Hindi ako manunulat….

Ang nais ko lang ay bigyan ng daan
Ang isang damdaming walang nakaalam
Ngunit hanggang ngayon ay lubhang nabalam
Pagkat sya’y lumisan ng walang paalam.

Pilit tinatago sa likod ng ngiti
Ang dala ng pusong puno ng pighati
Puso’y mapagod ang tanging pag asa
Upang wakasan ang pagdurusa.

Hindi ako manunulat….

Subalit sa tindi ng pagmamahal
Lumbay at sakit wari'y magtatagal
Ang tanging hiling sya ay lumigaya
At ako’y manatili sa kanyang alaala.

Nais kong sabihin at kanyang malaman
Na siya ay akin pa ring kaibigan
Dapatwat ang landas ay maagang nagwakas
Lumingon at ako’y nasa kanyang bakas.

Ngunit sa ngayon mananatiling lihim
Ang katotohanan at saloobin
Hihintayin ang araw maglakas loob sabihin
Ang laman ng puso at aking damdamin

Dahil sa ngayon ay walang paraan
Upang ipahatid ang nararamdaman…
Nais isatitik, balang araw’y mabuklat
Subalit ako’y hindi manunulat!

No comments:

Post a Comment